Mag-sign up para sa isang telephonic Healthier Living Program workshop
Nag-aalok na ngayon ang Alliance ng Healthier Living Program (HLP) workshops sa telepono! Ang mga workshop sa HLP ay mga sesyon sa kalusugan at kagalingan kung saan natututo ang mga miyembro kung paano pamahalaan ang sakit, pagkapagod, stress, pagkabalisa at pagkawala ng tulog. Natututo din ang mga miyembro tungkol sa malusog na pagkain, pananatiling aktibo, pagpapabuti ng kalidad ng buhay at pagbuo ng mga relasyon.
Dahil sa COVID-19, ang Alliance ay nag-aalok ng HLP sa pamamagitan ng telepono upang ang mga miyembro ay makalahok nang hindi umaalis sa bahay. Tawagan ang Linya ng Edukasyong Pangkalusugan ng Alliance sa 800-700-3874, ext. 5580 para mag-sign up. Para sa Hearing o Speech Assistance Line, tumawag sa 800-735-2929 (TTY: Dial 7-1-1).