Mga tagubilin kung paano mag-download ng form
Upang punan ang isang form, maaari mo itong i-print o punan sa isang computer. Upang punan ang form sa iyong computer, kakailanganin mong magkaroon ng program na tinatawag na Adobe Acrobat Reader. Maaari mong i-download ang Adobe Acrobat Reader DC nang libre mula sa website ng Adobe.
Upang punan ang form sa isang computer, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-click ang link o ang larawan ng form. Ida-download ang form sa iyong computer.
- Hanapin ang form sa iyong mga download. Mag-click sa pangalan ng form para buksan ito. Tiyaking gamitin ang Adobe Acrobat Reader upang buksan ang form.
- Mag-click sa bawat blangkong bahagi ng form at i-type ang impormasyong kailangan.
- I-save ang nakumpletong form sa pamamagitan ng pag-click sa “File” at pagkatapos ay “Save.”
- Sundin ang mga tagubilin sa form para ipadala ito sa tamang lugar.
Upang punan ang isang naka-print na kopya ng form, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-click ang link o ang larawan ng form. Ida-download ang form sa iyong computer.
- Hanapin ang form sa iyong mga download. Mag-click sa pangalan ng form para buksan ito.
- I-click ang "File" at pagkatapos ay i-click ang "Print."
- Punan ang naka-print na form at sundin ang mga tagubilin sa form upang ipadala ito sa tamang lugar.